@everythingtarlac: 🚤 SINUSUBUKAN NA ANG MMDA RUBBER BOATS SA TARLAC RIVER Isinasagawa na ang testing ng mga rubber boat ng MMDA bilang paghahanda sa posibleng libreng sakay para sa mga residente ng Tarlac. Nakatakda rin ang pag-install ng mga pontoon bilang alternatibong tawiran. Layunin nitong makatulong na mabawasan ang traffic sa Agana Bridge. 🎥 Video: Tarlac City Government Hintayin ang opisyal na anunsyo para sa iskedyul, ruta, at mga alituntunin sa paggamit ng serbisyo. 🌐 everythingtarlac.com #EverythingTarlac #TarlacCity #MMDA