noah :
Ma, Pa, pagpasensyahan nyo na po ako lagi kung minsan di ako sumusunod sa inyong mga utos na alam ko naman makakabuti sa akin. Minsan kasi inuuna ko yung gusto ko, iniisip ko na kaya ko na ang lahat at hindi ko kailangan ng payo ninyo. Pero habang tumatagal, naiintindihan ko na hindi pala lahat ng bagay kailangan kong matutunan sa sarili kong pagkakamali.
Alam kong may mga pagkakataon na nasasaktan ko kayo sa mga ginagawa at sinasabi ko. Minsan hindi ko napapansin na nag-aalala lang pala kayo. Kapag pinagsasabihan ninyo ako, iniisip ko na kinokontrol ninyo ako, pero ngayon naiintindihan ko na ginagawa ninyo iyon dahil ayaw ninyong mapahamak ako.
Ma, Pa, salamat po dahil kahit ilang beses akong matigas ang ulo, hindi ninyo ako sinusukuan. Kahit may mga araw na hindi ko kayo pinapakinggan, nandiyan pa rin kayo kapag kailangan ko kayo. Kahit minsan hindi ko nasasabi, sobrang laki ng pasasalamat ko na kayo ang naging mga magulang ko.At kung dumating man yung araw na maging successful ako, sana huwag ninyong isipin na sarili ko lang ang dahilan kung bakit ako nakarating doon. Kayo ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.
Ma, Pa, habang nandito pa kayo, gusto kong mas matutong makinig. Gusto kong suklian kahit kaunti ang lahat ng sakripisyo ninyo na hindi ko kayang suklian. Hindi ko alam kung ilang taon pa ang meron tayo, kaya ayokong dumating ang araw na pagsisisihan kong hindi ko kayo napasalamatan, nayakap, o nasabihan ng “Mahal ko kayo.”
Patawad po sa lahat ng pagkukulang ko. Salamat sa walang sawang pagmamahal. At pangako ko, susubukan kong maging anak na isang araw ay maipagmamalaki ninyo.❤️
2026-09-26 11:17:39