@dzyt765: ‘HARD SELL’ NA TANDEM Tinawag ng political analyst na si Prof. Froilan Calilung na isang "hard sell" o mahirap ibenta sa publiko ang tambalan nina Senador Win Gatchalian at Senador Risa Hontiveros. Ayon kay Calilung, wala gaanong maipagmamalaking accomplishment si Gatchalian bilang lider ng Senado bukod sa pag-agaw ng pwesto kay Sen. Alan Peter Cayetano, kung saan itinuring pa niya itong "decoration at best" sa gitna ng impeachment proceedings. Aniya, nagkukulang naman si Hontiveros sa pagpapakita ng tunay na koneksyon at malasakit sa masa, dahilan upang mahirapan ang publiko na kilalanin siya bilang isang tapat na lingkod-bayan.