@user7d4rf6gh6f: VP Sara Duterte, naniniwalang dapat natuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa nakatakdang petsa nito ngayong Nobyembre. Ayon sa Bise Presidente, mas nais niyang hindi ito naipagpaliban, ngunit iginiit niyang dapat sundin ang anumang nakasaad sa batas. “Dapat siya hindi pinostpone, pero siyempre kung ano nasa batas ‘yun yung masusunod. So, kung merong postponement ay yun ang masusunod at ‘yun ang susundin ng Commission on Elections,” ani Duterte. Ano ang inyong pananaw sa pagpapaliban ng BSKE? #BSKE #SaraDuterte #BarangayElections #SKElections #highlight