@balitaphl: Matapos ang 15 taon ng pagkakabilanggo sa Indonesia bago ilipat sa Pilipinas, pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “Absolute Pardon” para sa Pinoy trafficking victim na si Mary Jane Veloso nitong Biyernes, Setyembre 25. Kasunod ito ng “open letter” na isinulat ni Veloso noong Enero 2026 para ipanawagan sa administrasyong Marcos Jr. ang paglaya niya para maalagaan ang kaniyang mga magulang at mga anak sa mga taon ng pagkakapiit sa Indonesia. Sa pormal na desisyong ito ni PBBM, ano nga ba ang kahulugan nito para kay Veloso? Ayon sa Artikulo VIII ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987, ang Pangulo ay may kakayahang magpataw ng pardon sa isang indibidwal kahit na nabigyan na ito ng pinal na desisyon. Sa dagdag na pag-aaral ng Respecio & Co., na batay pa rin sa Saligang Batas, may dalawang uri ng pardon na iginagawad sa isang indibidwal. Una na rito ang Absolute Pardon na isang “unconditional remission” o lubos na pagbawi sa kabuoang kaparusahan. Kaya sa ilalim nito, muling iginagawad sa naakusahang indibidwal ang kaniyang buong sibil at politikal na karapatan. Matatandaang ginawaran ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Robin Padilla ng Absolute Pardon noong Nobyembre 2016 matapos mahatulan ng parusang pagkakakulong sa kasong “illegal possession of firearms and ammunitions” noong Abril 1994. Sa pagharap noon ni Padilla kay FPRRD, ay ang pagbabalik ng kaniyang civil rights, na nangahulugang maaari na siyang muling makaboto at kalayaang makapag-apply ng US visa. Sa kabilang banda, ang Conditional Pardon ay may mga kondisyong ibinibigay, at sakaling tumanggi ang naakusahan na sumunod dito, ang pardon ay mawawalan ng bisa o muling pagkakaaresto. Ilan sa mga limitasyon dito ay ang titirahang bahay, pagbibigay ng ulat sa mga awtoridad, at pagbabawal na mahalal sa anumang pampublikong opisina. Gayundin ang pagpapanatili ng nahatulan ng maayos na pag-uugali at pag-iwas sa ilang tao. Ang kalayaang dala ng conditional pardon ay hindi pagtitiyak ng lubos na kalayaan. Sa pag-aaral ng Legal Resource PH, binanggit na ang dalawang pardon ay “future-looking.” Nangangahulugan itong hindi nito binubura o binabayaran ang anumang pinsala o mga kaparusahang naransan ng indibidwal na nahatulan at walang obligasyon ang pamahalaan na magbigay ng kabayaran para sa mga naturang pinsalang ito. Kaya binabanggit din sa pag-aaral na itong walang karapatan ang nahatulan na humiling ng kaniyang “backpay” para sa mga nawala niyang benepisyo. Batay din sa Respecio & Co., ang pardon ay isang pribilehiyong iginagawad ng pangulo at hindi karapatan ng isang indibidwal at tanging ang pangulo lamang ang may kapangyarihang makapaggawad nito. Kaya sinumang magawaran ng pardon ay ginagawaran na rin ng karapatang linisin ang kaniyang pangalan at reputasyon. #Balita #AbsolutePardon @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Saturday 26 September 2026 13:30:02 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.