@balitaphl: Inanunsyo ng transport group na MANIBELA na magkakasa sila ng caravan ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) at motorcycle taxi riders bilang opisyal na pagsisimula ng kanilang tatlong araw na tigil-pasada sa Lunes, Setyembre 28. Batay sa pahayag ng MANIBELA sa kanilang Facebook page nitong Linggo, Setyembre 27, ang caravan ay isasagawa mula University of the Philippines (UP) Avenue patungong Petron Philcoa sa ganap na 6:00 ng umaga. Sa naturang pahayag, muling ipinaalala ng MANIBELA ang kanilang pakikibaka para sa mga tsuper at operator na patuloy na nahihirapan umano sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang kasabay na pagtaas ng gastos sa pasada habang lumiliit ang naiuuwi nilang kita. Kaya sa mga susunod na araw, tiniyak ng MANIBELA na mariin nilang isisigaw ang mga panawagang pagbababa ng presyo ng langis, pagtatanggal ng excise tax at value-added tax (VAT) sa petrolyo, agarang pagpapatupad ng dagdag-pasahe, at pagtigil ng walang humpay na oil price hike. “Hindi sapat ang panandaliang ayuda o fuel subsidy kung patuloy namang tumataas ang presyo ng langis. Kailangan ng pangmatagalan at konkretong solusyon upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga tsuper at operator at matiyak na hindi tuluyang malulugi ang pampublikong transportasyon,” dagdag pa ng transport group. #Balita #TransportStrike @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Sunday 27 September 2026 04:01:26 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.