@abantenews: PANOORIN: Sinabi ni Defense Team Spokesperson Atty. Michael Poa na nakahanda ang kanilang panig na i-cross-examine, kung kinakailangan, si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sakaling humarap ito bilang hostile witness ng prosekusyon. Ayon kay Poa, kung may mga bagay na nais silang linawin sa testimonya ni Mayor Duterte, isasagawa nila ang cross-examination. Kung wala naman, aniya, maaari nila itong hindi gawin. Nilinaw rin ni Poa na wala silang impormasyon kung dadalo o hindi si Mayor Baste dahil hindi naman nila ito testigo at wala silang koordinasyon sa alkalde. | via Jojo Sicat, Abante News