@user7d4rf6gh6f: PACQUIAO, HINAMON ANG MGA ‘MEDYO TRAYDOR’ NA PILIPINO NA BISITAHIN ANG PAG-ASA ISLAND Hinamon ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Lead Convenor Manny Pacquiao ang mga Pilipinong inilarawan niyang “medyo traydor” na personal na bumisita sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea upang makita ang sitwasyon doon. “Sa mga Pilipino na medyo traydor, dapat pumunta kayo rito [sa Pag-asa Islands],” ani Pacquiao sa kanyang unang pagbisita sa isla. Kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan, nagdala si Pacquiao ng ₱500,000 ayuda para sa mga residente at nangakong babalik upang tumulong sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. “Hindi naman tayo nakikipag-away, kaya lang gusto natin magkipagkaibigan. Pero huwag naman to the point na kukunin ‘yung pagmamay-ari natin,” dagdag niya. Ang pagbisita ay kasunod ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea. Nitong buwan, iniulat ng Philippine Coast Guard na nagpaputok umano ng ilang flare ang mga puwersang Tsino malapit sa isang hindi armadong eroplano ng Pilipinas na nagsasagawa ng maritime domain awareness flight sa Kalayaan Island Group bago ito lumapag sa Pag-asa Island. Ano ang masasabi ninyo sa pahayag ni Manny Pacquiao? #MannyPacquiao #PagasaIsland #WestPhilippineSea #KalayaanIslandGroup #NewsUpdatePH
Kingmel MG
Region: PH
Monday 28 September 2026 08:32:57 GMT
Music
Download
Comments
asartalo245 :
hnd cla pupunta Jan Kasi tinalaban cla Ng hiya sa Sarili Nila
2026-09-28 10:11:17
0
vogs :
oi mga traidor at balingbing punta na kau sa pagasa island😄😄😄
2026-09-28 15:46:42
0
To see more videos from user @user7d4rf6gh6f, please go to the Tikwm
homepage.