@solcrestinc: Follow-up sa fuel video. Marami ang nagsabi: "Sir, stable ang temperature ng underground tank." Tama kayo. Pero hindi lang tank ang pinag-uusapan. Tingnan mo ang buong daan ng fuel papunta sa sasakyan mo. Piping mula tank papuntang dispenser, metal, nakabilad sa araw. Ang dispenser mismo, metal cabinet na buong araw sinisipsip ang init, at nasa loob niyan ang meter, filter, at piping. Ang hose at nozzle, itim na goma, nakasabit sa araw. Hawakan mo sa tanghali. Kung ano ang temperature ng dinadaanan, yan ang temperature ng fuel na dadaan. At may isa pa: ang delivery. Ang tanker, ilang oras nakabiyahe sa init. Pag nag-discharge sa hapon, mainit ang fuel na pumasok sa "stable" na tank. Ilang oras bago lumamig. Tapos ang tank mo mismo. Nag-fill ka sa tanghali, nakaparada sa araw, doon pa lalo uminit at lumawak. Kaya bawal mag-top off. Kaya oo, stable ang tank. Pero ang tank ay isang bahagi lang ng sistema. Lahat ng dinadaanan ng fuel, may ambag sa init. At lahat ng init na yan, lumalawak ang fuel, mas kaunting laman kada litro. Same litro. Mas maraming laman pag malamig. Kaya madaling-araw pa rin. Follow PumpExperts.PH para sa engineering na naiintindihan. #PumpExpertsPH #FuelTips #GasolinaTips #DieselTips #FullTank

Engr. Bhadz of SolCrest Inc.
Engr. Bhadz of SolCrest Inc.
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 29 September 2026 10:15:22 GMT
18216
415
13
15

Music

Download

Comments

chilling_ryugi
Chilling Ryugi :
so optimal rin kapag busy ang station? since possible na take na ng previous customer ang less dense na gas
2026-09-29 10:35:21
2
admiralairos
MasterM :
Neer, so mas sulit mag-gas up sa Baguio kaysa sa lowland? 😆 Eh, 'di mas dense ang fuel sa madaling araw sa Baguio since bumababa ang temp around 16c ng mga bandang 4am 😆
2026-09-29 13:10:35
2
carljobertlgmail.com
CarlneedtoBulk :
boss wag mona silang pansinin HAHA gusto lng naman maka tulong sa tao na babash parin HAHA
2026-09-30 09:32:12
1
markus_johnny17
Johnny Boy :
Sir, bakit po nagkakaroon ng variance minsan gain minsan loss ang station pag nag deeping2 sila ng product? Sana masagot
2026-10-02 12:04:35
0
engr.khernathansabejon
PME Kher :
pwede magpacalibrate lunch time? para paldo.😂
2026-09-29 13:52:27
1
stevel333
Stephen :
kadalasan na obserbasyon ko ay ang huling mag pa gas kapag marami pila kadalasan hindi magstart ng maayos ang sasakyan nila😅
2026-09-29 12:29:33
0
melo02095
@melo :
Sila nalang ibilad sir sa arawan parehas lang yata sa kanila ang, temperature ng exposed sa hindi.,
2026-09-29 16:09:35
0
yngumynum
(ー_ー゛) :
Sana consistent kayo sa content sir. wag yung kahit ano nalang para may ma content. alam nmn namin mahirap maghanap ng content. Pero Sana consistent at malaman yung content. ingat lagi.
2026-09-30 01:27:07
0
rmzf28
Rule #5 :
🤣🤣🤣
2026-11-08 05:25:56
0
To see more videos from user @solcrestinc, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About