@abantenews: Nananawagan si Senadora Risa Hontiveros na kailangang tugunan ang problema sa logistics industry dahil nakadaragdag ito sa gastos ng mga negosyo at presyo ng mga bilihin. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na umaabot na sa isa hanggang tatlong linggo ang paghihintay ng ilang trucker bago maibalik ang mga bakanteng container sa container yards ng shipping lines. Tinawag na aniya itong ‘severe truck deadlock’ dahil sa limitadong kapasidad ng mga lagakan ng empty containers. Ayon sa senadora, umaabot naman sa ₱50,000 kada container ang dagdag na gastos na iniulat ng ilang meat importers dahil sa delays, na katumbas ng tinatayang ₱2 hanggang ₱5 dagdag sa bawat kilo ng karne. Sinabi ni Hontiveros na kapag tumaas ang gastos sa pagbiyahe, pag-iimbak at paghahatid ng mga produkto, naaapektuhan hindi lang ang presyo ng pagkain kundi pati ang negosyo, trabaho at kita ng mga manggagawa. Binanggit din niya ang nakatakdang boluntaryong tigil-pasada ng ilang truckers sa October 5 kasunod ng panawagan ng mga grupo sa transport sector na tugunan ang kanilang mga problema. Kaya naman hinimok ni Hontiveros ang mga ahensya ng gobyerno, shipping lines, truckers, brokers at importers na magkaroon ng malinaw na plano at koordinasyon para mabawasan ang logistics costs at mapabilis ang paggalaw ng mga produkto. Giit ng senadora, hindi lang ito problema ng logistics kundi isang mas malawak na usaping pang-ekonomiya na kailangang tugunan para makatulong sa pagkontrol sa inflation at pagpapasigla ng ekonomiya. | via Jojo Sicat, Abante News

Abante News
Abante News
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 29 September 2026 23:56:50 GMT
2861
23
7
1

Music

Download

Comments

bosing686
pakak :
unahin nyong pag handaan Ang el niño puro kayo Sara Wala Naman kayong nagagawang Tama
2026-09-30 00:07:01
1
masarapmatulog2
masarapmatulog2 :
simple lang yan. wag muna pupunta ng pier un mga truck na walang laman. pipila kc sila ng 1-2weeks kakain sila ng space. un mga truck lang na pick up na dapat nandun aa pier.
2026-09-30 00:15:41
0
yffarpaladar86
YffarPaladar86 :
wow reading pa more
2026-09-30 00:01:06
0
awayfr1
人生 :
ang Hilig sa SCRIPT[Big LOL][Tears of joy][Tears of joy][Tears of joy][Tears of joy]
2026-09-30 00:09:24
0
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About