@gmanews: HAPPY BARK-DAY, LUNA! 🐶🎂 Kinagiliwan online ang isang 4-anyos na shih tzu na si Luna matapos hipan ang kaniyang birthday candle. Pagkatapos kasi siyang kantahan, tila isang tunay na bata si Luna nang utusang hipan ang kandila sa kaniyang cake na kaagad nitong sinunod. Nagpalakpakan ang mga bisita at biglang tila nagulat si Luna sa reaksyon nila. Biro tuloy ng isang netizen sa comment section, "Ay, ang OA mga beh ha? Ngayon lang nakakita ng aso na nag-blow ng candle?" #YouScoop Courtesy: YouScooper Ma. Theresa Malabo #GMANews