@radyopilipinodigital: MGA MAGSASAKA, MAS NANGANGAILANGAN NG SUPORTA NGAYONG PAPARATING NA SUPER EL NIÑO Inihayag ng Secretary General ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na si Ronnie Manalo sa kanyang panayam sa programang Serbisyo Todo-todo na ang mga problemang kinakaharap ng mga magsasaka, lalo na sa panahon ng pagbaha at pagka sira ng kanilang mga pananim. Ayon kay Manalo, kailangan ng mga magsasaka ng humigit-kumulang ₱40,000 hanggang ₱60,000 kada ektarya para sa binhi, abono, at iba pang gastusin hanggang sa pag-aani. Aniya, hindi agad nasasaklaw ng crop insurance ang mga bagong tanim na palay na wala pang sapat na coverage, kaya napilitan ang mga magsasaka na mangutang para muling makapag tanim. Binanggit din ni Manalo ang mga problema sa fuel subsidy, fertilizer at pamamahagi ng binhi, na ayon sa kaniya ay madalas na naguhuli at hindi sapat para sa pangangailangan ng mga magsasaka.| #RNews #RadyoPilipino #SerbisyoTodoTodo Para sa iba pang balita, i-like at i-follow ang official accounts ng Radyo Pilipino.
Radyo Pilipino
Region: PH
Thursday 01 October 2026 07:53:42 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @radyopilipinodigital, please go to the Tikwm
homepage.