@vizmingreencommunity: GUANZON, BINATI ANG TAU GAMMA PHI—“EXCEPT KAY TORRE AT MANIBELA” May pahabol na patama si dating COA at Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon sa kanyang pagbati sa ika-58 founding anniversary ng Tau Gamma Phi. “Binabati ko ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi (except kay Torre at Manibela) ng kanilang 58th founding anniversary. Mabuhay po kayo!” saad ni Guanzon. Kapansin-pansin ang pagbanggit niya kay Gen. Nicolas Torre III, na kamakailan ay naiulat na naging miyembro ng Tau Gamma Phi. Naging laman naman ng balita kamakailan ang MANIBELA chairman na si Mar Valbuena matapos ang viral niyang “I love you” kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang pagkikita sa pamamahagi ng bigas sa transport workers. #attyrowenaguanzon #vpsaraduterte #taugammaphi #indaysaraduterte #vizmingreencommunity