@gmanews: ‘ALAM KO ’YUNG FEELING NA WALANG PAMBAYAD NG TUITION… NA NAIIWAN KA NA’ Naging emosyonal si Asia’s Multimedia Star Alden Richards nang ibahagi niya ang kaniyang adbokasiya na makatulong sa mas maraming kabataan na makapagpatuloy at makapagtapos ng pag-aaral. Aniya, hugot sa sarili niyang karanasan ang kaniyang pagtulong sa mga estudyante. Naranasan din niya ang pakiramdam ng walang pambayad sa tuition at ang maiwan habang ang kaniyang mga batchmate ay nakapagpapatuloy sa kolehiyo. Para kay Alden, isang “full circle” ang pagkakataong maibahagi niya ngayon ang kaniyang biyaya sa kaniyang mga scholar at matulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap. | via Aubrey Carampel/GMA News #GMANews