@gmanews: BUTSEKIK NG KAMBAL NA BULILIT! 🎤🤩 Kinagigiliwan online ang identical twins mula sa Palawan na sina Christian at Sebastian Doña nang kumanta sila ng kanilang piyesa na "Butsekik" ni Yoyoy Villame. Ang grade 2 learners mula sa Puerto Princesa Pilot ES Special Science Program, hindi lang kumanta, sumayaw rin sa saliw ng kanta. Kuwento ng kanilang guro na si YouScooper Kim Manal, madalas na nagpe-perform ang kambal sa tuwing may program sa kanilang paaralan. "Tuwang-tuwa ang kanilang mga magulang na 100% support ang binibigay sa kanilang talented na kambal." "Wow highblood ako kanina sa parcel ko, ngayon napangiti ako. Kagagaling na mga bata," saad ng netizen. #YouScoop Courtesy: YouScooper Kim Manal