@gma_publicaffairs: PANIG NI CLAUDIO TEEHANKEE JR. SA HULTMAN-CHAPMAN DOUBLE SLAY CASE Taong 1991, naging laman ng balita ang pagkamatay ng magkaibigang Maureen Hultman at Roland John Chapman matapos silang barilin sa Makati. Noong sumunod na taon, hinatulan ng Regional Trial Court si Claudio Teehankee Jr. ng reclusion perpetua para sa pagpatay kina Chapman at Hultman, at ng frustrated murder para sa pamamaril sa isa pa nilang kaibigan na si Jussi Leino. At noong October 6, 1995, naglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa kanyang apela. Binago nito ang hatol sa kaso ni Chapman mula murder tungo sa homicide, habang pinanatili ang murder conviction kaugnay ng pagkamatay ni Hultman at frustrated murder sa sinapit ni Leino. Pero hindi rito natapos ang takbo ng kaso. Ang buong kuwento, panoorin dito: https://youtu.be/Nj6q0BdHgZ0