@gmanews: HINDI NAG-RESIGN SI DICT SEC. AGUDA Nilinaw ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi totoo ang kumakalat na impormasyon na nagbitiw na sa puwesto si DICT Sec. Henry Aguda. Ayon kay Castro, nakausap niya mismo si Aguda tungkol dito at nagpadala pa umano ito ng litrato na nagpapakitang patuloy siyang nagtatrabaho bilang kalihim ng DICT. Tinanong din si Castro kung totoo na babalik na sa DOTr si DPWH Sec. Vince Dizon, ngunit wala raw siyang ganitong impormasyon. | via Jonathan Andal/GMA news #BreakingNewsPH #GMANews