@angbatingawonline: ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ Ipinagdiwang ang Banal na Misa ng Ikasiyam na Araw ng Nobenaryo para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo nina Padre Joseph Franz Dizon, ang Chaplain of the Filipino Community sa Italia, kasama si Padre Sam Estrope, Katuwang na Pari ng Dambana at Parokya ng Nuestra Senora de la Asuncion, sa ating dambana nitong ika-6 ng Oktubre 2026, Martes, Ginunita rin sa araw na ito si San Bruno, pari at nagtatag ng Orden ng mga Paring Cartuho. Bago magsimula ang misa, pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Mariano Ponce National High School ang huling araw ng pagdarasal ng rosaryo at nobena para sa Mahal na Birhen. Ginawaran sila ng sertipiko at pasasalamat bago matapos ang misa. Binasbasan din ang imahe ng Santo Rosaryo sa pangangalaga ni Dr. Domingo Sanchez (+) at ng kanyang pamilya. Mahal na Ina ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo kami. Ang pagdiriwang ng kapistahang ito ay sa pangunguna ng Cofradรญa del Santรญsimo Rosario katuwang ang Block Rosary Crusade. Para sa kumpletong mga detalye ng aktibidad at programa para sa Kapistahan ng Santรญsimo Rosario, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng Ang Batingaw. Isinulat ni SSA, Ang Batingaw Mga larawang kuha ni AF, MAS #FiestaSantoRosario2026 #fyp #DSPSA #AngBatingaw #Maria

San Agustin Shrine - Baliwag
San Agustin Shrine - Baliwag
Open In TikTok:
Region: US
Wednesday 07 October 2026 14:04:18 GMT
327
12
0
1

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @angbatingawonline, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About