@abantenews: BIR: SARA DUTERTE NAKAPAGDEKLARA NG ₱4.65M PROFESSIONAL INCOME NOONG 2021 Batay sa tax records, nagdeklara si Vice President Sara Duterte ng ₱4.65 milyon na income mula sa sales, receipts at fees noong 2021, mas mataas sa ₱2.36 milyong iniulat niyang sahod bilang alkalde sa naturang taon. Ayon sa testigo, ang ₱4.65 milyon ay income mula sa legal profession ni Duterte, batay sa kaniyang registration records sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Inilahad ng prosecution ang naturang figures bilang bahagi ng pagsusuri sa income ni Duterte bago siya naging vice president. Samantala, nilinaw ng prosecution na ang naturang income ay mula noong alkalde pa lamang si Duterte noong 2021.