@abantenews: HONTIVEROS IPINALIWANAG ANG PAGTUTOL SA SMART KIDS ACT Ipinaliwanag ni Senador Risa Hontiveros ang kaniyang pagtutol sa SMART KIDS Act na naglalayong ipagbawal sa mga batang wala pang 18 taong gulang ang paglikha o pagpapanatili ng social media accounts. Ayon kay Hontiveros, maaaring mawalan ang mga kabataan ng access sa edukasyon, mga oportunidad sa kabuhayan, support communities at komunikasyon sa kanilang mga pamilya kung ipatutupad ang blanket ban sa social media. “An outright ban strips away these very connections that have become so important in their day-to-day lives,” ani Hontiveros. Iginiit niya na mahalaga ring isaalang-alang ang papel ng social media sa pang-araw-araw na buhay at mga oportunidad ng kabataan.