@dwiz882am: Bumagsak sa “poor” ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations. Sa September 2026 survey, 35 percent ng mga Pilipino ang nasiyahan sa performance ng Pangulo, habang 46 percent naman ang hindi nasiyahan at 20 percent ang undecided. Nagresulta ito sa net satisfaction rating na minus 11, na bumaba ng apat na puntos mula sa minus 7 noong Hunyo, na noon ay itinuturing na “neutral.” #PBBM #SWS #DWIZ #DWIZNEWS #DWIZ882AM