@de_ceo_klassic_cut: #kasoablogger @Silvercast

de_ceo_klassic_cut
de_ceo_klassic_cut
Open In TikTok:
Region: GH
Friday 09 October 2026 09:24:01 GMT
446
52
0
2

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @de_ceo_klassic_cut, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos

Nakakapagod nang mabuhay sa bansang paulit-ulit pinapatay ng sarili nitong mga lider. Habang ang mga pilipino ay nagkakandahirap kakahanap ng makakain, habang ang mga manggagawa ay halos mawalan na ng buhay kakakayod para sa kakarampot na sahod, habang ang mga kabataan ay nawawalan na ng pangarap dahil wala nang makitang kinabukasan dito—may mga politikong bilyon ang nilulustay, nakakatawa sa kamera, at walang kahihiyang nagpapanggap na para sa bayan sila. Para saan pa ang gobyerno kung ang nasa taas mismo ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao? Ginawa nilang circus ang politika. Ginawa nilang negosyo ang serbisyong pampubliko. Bukod dito, ang dami pa ring nagpapaloko. Ang dami pa ring handang ipagtanggol ang mga taong lantaran nang walang pakialam sa mamamayan basta’t protektado ang sariling pangalan, pamilya, at kayamanan. Kaya kung hindi ka pa rin galit, BAKIT? Hindi mo ba nakikita kung paano tayo ginagatasan habang sila nagpapakasasa sa kapangyarihan? Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kabulok ang sistemang paulit-ulit nating hinahayaang yurakan tayo? O mas komportable ka na lang maging sunod-sunuran kaysa harapin ang katotohanan? Dahil ang totoo, hindi lang corrupt ang problema ng bansang ito. Ang problema rin ay ang mga taong alam nang niloloko sila pero patuloy pa ring sumasamba sa mga politikong walang ginawa kundi magnakaw, magsinungaling, at gawing tanga ang sambayanan. Mga politikong kulang na lang sambahin na parang diyos kahit harap-harapan nang winawasak ang kinabukasan ng Pilipinas. Nakakaput— na talaga. Habang tayo nagbabayad ng buwis, sila nagpapayaman. Habang tayo nagdurusa, sila nagpapatawa sa Senado. Habang may Pilipinong hindi alam kung may kakainin pa bukas, sila nag-aaway para sa kapangyarihan at impluwensya. At sasabihin nilang “para sa bayan”? Ang Pilipinas ay hindi naghihirap dahil sa malas tayo. Naghihirap tayo dahil paulit-ulit nating hinahayaang pamunuan tayo ng mga ganid, sinungaling, at uhaw sa kapangyarihan. At hangga’t mas pinipili ng tao ang pagiging bulag kaysa pagiging mulat, walang magbabago. Dahil walang mas delikado kaysa sa mamamayang nasanay nang alipinin ng gobyerno. GISING PILIPINAS!  WALANG TITIGIL!  WALANG MANANAHIMIK! #kurakotmanagot #gisingpilipinas #notopoliticaldynasty  #politics #fyp

About