@balitaphl: Idiniin ng Palasyo na patuloy na magtatrabaho at hindi maaapektuhan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa anumang survey firm. Kasunod ito ng inilabas na datos ng Social Weather Stations (SWS) sa kanilang website noong Huwebes, Oktubre 8, kung saan makikitang bumagsak ang net satisfaction ng Pangulo sa -11 nitong Setyembre 2026, mula sa -7 noong Hunyo 2026. “Kahit kailan, kahit ano pang survey firm—tumaas, bumaba, hindi naaapektuhan ang Pangulo. Tuloy-tuloy ang pagtatrabaho,” saad ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa isang press briefing sa Singapore nitong Biyernes, Oktubre 9. Diin niya, “Hindi nagbabakasyon, nagtatrabaho.” Anang press officer, tila ba “timely” ang lumabas na datos mula sa naturang survey. “So, very timely lang kasi ang paglabas nito dahil maraming isyu na kinasasangkutan ngayon ang bise presidente,” anang press officer. “So, again, ang numero ng survey firms, hindi po ‘yan makakaapekto sa pagtatrabaho ng Pangulo,” giit pa ni Usec. Castro. Sa kasalukuyan, si PBBM ay nasa Singapore para sa isang working visit. #Balita #PBBM #BongbongMarcos #Rating #Satisfaction @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Friday 09 October 2026 13:30:00 GMT
Music
Download
Comments
Boom Panes335 :
wala xang pake sa mga Filipino
2026-10-10 02:33:32
0
mochiii 🍰✨ :
Jan lng sya nag negative
2026-10-09 16:31:12
0
oreovidq :
kanila ang Numero,sayo ang pwesto Ng pangulo
2026-10-09 13:43:00
0
Snowbelle Mendoza :
walang pake yan sa nangyayari sa pinas kasi ang tanging hangad nya ay maghiganti sa mga pilipino sa ginawa sa pamilya nya nung panahon ng tatay nya
2026-10-10 02:35:50
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.