@ohmybeenews: Naging matindi ang paglilitis sa Senado nang ibunyag ang mga kahina-hinalang transaksyon ng Cale88 Foods Corp. — ang banana chips company na iniuugnay kay Atty. Manases "Mans" Carpio, asawa ni VP Sara Duterte. Ayon sa mga testigo at senator-judges: nag-report ang kumpanya ng humigit-kumulang ₱150M sa benta — at kabuuang ₱208M mula 2021 hanggang 2025 — kahit dalawang empleyado lang ang rehistrado at ₱125,000 lang ang puhunan. Binigyang-diin ni Sen. Joel Villanueva na halos imposibleng makagawa at makabenta ng ganyang kalaking halaga nang walang sapat na tao at pasilidad. Bukod pa rito, ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros ang mga kahina-hinalang pondo mula sa ibang bansa na pumasok sa Cale88 — kasama ang ₱319.3M na galing China at Hong Kong, at mga padala mula sa Arkmen LLC sa Ukraine, isang kumpanyang iniimbestigahan na sa fraud at money laundering at may asset freeze order mula sa Kyiv court. Ayon sa AMLC at BIR, hindi nakapagbigay ang kumpanya at mga bangko ng mga dokumentong magpapatunay na lehitimo ang mga remittance na ito. #saralabandera #ConvictSaraNow #impeachmentsarasduterte