@doubled0003: MAG-INGAT SA MGA NAGPAPANGGAP NA MTPB PARKING ATTENDANTS! “Sa mga motorista, huwag po tayong basta-basta maniniwala sa mga tolongges na nagpapanggap na parking attendant. Hindi po natin palalampasin ang ganitong pananamantala” - Manila Mayor @Isko Moreno Agad pong inaksyunan ng ating Manila Police District-Special Mayor's Reaction Team (S.Ma.R.T.) ang reklamong ipinadala sa Bilis Kilos Action Center tungkol sa mga indibidwal na naniningil umano ng sobrang parking fee sa labas ng Rizal Memorial Stadium, along Adriatico Street, Malate. Tatlong suspek ang naaresto matapos umanong maningil ng halagang lampas sa itinakdang parking fee at hindi makapagpakita ng pagkakakilanlan o katibayan ng awtoridad. Maraming salamat sa nag-report at sa ating mga kapulisan sa mabilis na pag-aksyon! Kaya ang payo ko po sa lahat, kung may kahina-hinalang paniningil o nagpapanggap na awtorisadong tauhan, i-report agad sa ating Bilis Kilos Action Center o magpadala ng mensahe sa aming social media accounts. Nakikinig po kami at umaaksyon. Hindi po tayo papayag na may magsamantala sa ating mga kababayan. May gobyerno sa Maynila! 📸 Manila Police District-Special Mayor's Reaction Team (S.Ma.R.T.) #IskoChi #LetsMakeManilaGreatAgain #DoubleD
talamak yan sa manila tinanggal mga ilegal vendors pero talamak ang parking pay business po ba yorme🤣🤣🤣🤣
2026-10-11 15:19:46
0
✨silent santuary✨ :
s my adriatico s my gilid ng ginagawang sm horizon dami nagpaparking dyn n hnd mga mtpb,,wala pa s ayus magparking,isang lane nlng madadaanan papunta ocampo street
2026-10-11 13:18:14
0
ジノフローレンス :
daMinG ganyan sa harap ng B.I taga talaga maningil don kakunchaba nila yung mismong parking attendant don imbis 50 lang gagawin sa resibo 150 pag ndi ka pumayag papalayasin ka😂
2026-10-11 12:29:39
0
Boss' M 🪬🧿🫰🫰 :
sa lawton nag papapila ng van uv byahi sucat ayaw hulihin ng pulis don sa malapit tanaw na tanaw
2026-10-11 12:34:39
0
ngewi em :
kalabuso😂😂😂
2026-10-11 15:04:20
1
Calix :
mdami dn ganyan s maria orosa st lalo n dun s may jim's pares at yung mga batang hamog s pedro gil lalo n s gabi
2026-10-11 13:12:57
0
M O R A L E S ✅ :
congrats nanalo kayo ng isang prestihiyosong bracelet mula sa kapulisan
2026-10-11 13:15:52
0
Julebert Perolino :
🤣🤣🤣
2026-10-11 13:08:50
0
erlina perida :
👍👍👍
2026-10-11 10:26:22
1
kimmy Ac :
😁😁😁
2026-10-11 10:25:47
1
To see more videos from user @doubled0003, please go to the Tikwm
homepage.