@saristoryofficial: Binigyang-diin ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang mga opisyal ng pamahalaan na sinampahan ng kaso kaugnay ng mga hinihinalang iregularidad sa mga proyektong pangkontrol sa baha sa paggunita niya sa unang taon niya sa puwesto. Iginiit ni Remulla na ang lahat ng 39 na kasong isinampa ay nakabatay sa mga ebidensiyang nakalap ng Tanggapan ng Ombudsman. Tinuligsa rin niya ang tila magkakaugnay na pagkilos ng mga bayarang account sa social media upang maliitin ang mga hakbang ng pamahalaan. #SariStoryNews #Ombudsman #JesusCrispinRemulla #Iregularidad #Kaso