@gmanews: 'ANG PAGIGING BISE PRESIDENTE AY 24-HOUR JOB' Ayon kay financial forensic analyst Alexander Cabrera, ang trabaho ng isang vice president ay isang 24-hour job kung kaya't hindi siya maaaring tumanggap ng kahit anumang donasyon na hindi pasok sa nominal value. Sinabi ito ni Cabrera nang ipaliwanag niya kay Senator-Judge Sherwin Gatchalian kung paano ang naging proseso nila sa pag-conclude na income ang pinanggalingan ng deposits ni VP Sara Duterte. Ani Cabrera, hindi kapani-paniwala na lahat ng deposits ay "held in trust" kung kaya't ang natira na lang ay income, payable o donation. Wala raw payable sa SALN ni VP Sara Duterte at bawal din tumanggap ng donasyon ang isang opisyal, kaya nag-conclude sila na sa income nagmula ang deposits. #VPOnTrial #GMANews