@che_si_the_lost_file_: May mga taong naging tulay sa iyong pagtawid, nang ang buhay ay unos at ang pag-asa’y nakakubli sa dilim. Sila ang mga kamay na sa iyo’y unang umalalay, noong ang kabilang pampang ay tila imposibleng marating nang buhay. Kaya ngayong narating mo na ang pampang na dati’y pinapangarap, huwag mong kalimutan ang mga kamay na sa iyo’y nagbigay-lakas. Huwag mong sirain ang tulay na minsang naging iyong sandigan, sapagkat may iba pang kaluluwang nangangarap ding makatawid sa kabilang daan. Sapagkat ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa taas ng iyong narating, kundi sa kabutihang iniwan mo sa daang iyong tinahak at sa mga kamay na tinulungan mong makatawid sa pangarap. #reality #poetry #filipino #life #4u
“at kung malayo kana wag sanang limuting lumingon at yapusin ang daang ini-angat ka sa malalim na bangin”
2026-10-12 15:54:27
22
ljqm :
firstt
2026-10-12 15:16:02
0
Rudy Dacalcapjr :
tulad ng palay pag hitik sa butil kusang yumuyuko sa lupa🫶
2026-10-12 21:44:04
1
프랭키 씨.🍀 :
"kung Sila Ang naging tulay kung paano Ako naka abot sa pangpang, Ako Naman Ang daan kung paano ko Sila tiningnan habang dumadaan"
2026-10-12 15:20:52
4
Chico :
My ina🥺✨❤️
2026-10-12 19:21:56
0
kups :
"kung nakarating kana sa pangpang na iyong pangarap wag na wag mo kalimutan na ang mga kamay na tumulong sa iyo ay maaaring nag kagalos kaya lumingon ka at lapitan sila para gamotin kung may sugat man ang kanilang kamay sa pagtulong sa iyo"
2026-10-12 16:51:29
0
JL Bacli :
Sayang nga e yung taong tumulong sakin ay kinuha agad ni god 😭😭
2026-10-12 15:52:20
1
#MemoriesPH :
2nd
2026-10-12 15:16:32
0
To see more videos from user @che_si_the_lost_file_, please go to the Tikwm
homepage.