@.lhynjoyce_11: Isa ang BINI sa mga gagawaran ng parangal ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) sa 2026 Dangal ng Musikang Pilipino ng GLOBAL IMPACT AWARD for INTERNATIONAL SUCCESS bilang pagkilala sa kanilang ginagawang ingay sa international music scene. Kasama sa paparangalan ng parehong pagkilala ay ang SB19 at COJ. BINI ang kaisa-isang Female Artist na gagawaran ng parangal sa nasabing pagkilala.