@gmanews: 'SISIKAPIN NAMING PAG-IBAYUHIN PA ANG AMING TRABAHO...' Humingi ng tawad si presiding officer Chiz Escudero sa mga naging pagkukulang nila sa loob ng 39 na araw ng paglilitis. Nagpasalamat din si Escudero sa sipag at pasensiya ng lahat ng senator-judges, staff at ng magkabilang panig nitong mga nakaraang araw. Ngayong araw ang huling sesyon ng impeachment trial ni VP Sara Duterte bago pansamantalang tumigil ng tatlong linggo para talakayin ang 2027 national budget. #VPOnTrial Tutukan ang live coverage ng GMA News sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. #GMANews