@assortedge.org: Inihain kamakailan ng Akbayan Partylist sa House of Representatives ang House Bill No. 11495 o ALAGA Act para bigyang-pansin ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa animal cruelty, maltreatment at neglect. Pinangunahan ito ni Rep. Perci Cendaña kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) at ilang therapy dogs. Kabilang din sa mga co-author ng panukalang batas sina Rep. Chel Diokno, Rep. Dadah Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.