Steven Chavez :
i relate this much, nung araw may puppy love ako kung tawagin since elementary til 2ndyr hs, nagpaalam ako na sa manila ako mag continue ng school ko nung 1st week ko sa manila nagusap pa kami after nun nasira phone keypad phone pa dati wala pang touch screen, after masira ng phone ko nagipon ako makabili ng bago natagalan bago nakabili nalaglag wallet ko andun yung simcard at yung sinulat kung number na inipit ko sa wallet, wala nako contact sa kanya after 10 years umuwi ako nalaman ko nalang na may anak na siya pinuntahan ko siya sa kanila ang sabi ng mga kabatchmate namin lumipat na ng bahay sa pamilya nung lalaki, edi pinuntahan ko pero hanggang bakuran lang sinusulyapan ko siya sa malayo habang nagpapakain siya ng baboy naluha ako at umuwi dumaan ako sa paborito naming falls na nililiguan inabot nako ng takipsilim bago nakauwi, pag uwi ko may inabot yung lola/nanay ko sakin na panyo at jacket naalala ko yung jacket na pinagamit ko sa kanya nung intrams yung suot niya that time halos maghubad na kaya pinag jacket ko at yung panyo nung fiesta grabi yung pawis niya kakasayaw binigay ko yung panyo para pamunas at nakalimutan niya nang ibalik kaya hinayaan ko nalang,after ko maalala sabi ng lola ko pumunta daw classmate ko dati na babae nabalitaan daw na nakabalik nako galing manila inantay daw ako pero nainip umuwi na kase mag gagabi nadin, after nun iniabot na sa lola ko yung jacket at panyo, after 2weeks dumaan siya sa bahay kasama yung anak niya sinundo niya after school nag kamustahan kami habang tinititigan ko mga mata niya naluluha ako na ewan naninikip dibdib ko gusto kung sumigaw bakit ba nangyayare sakin to kabayaran bato sa lahat ng kasalanan ko ang hirap ilabas ng sama ng loob ko, di ko na napigilan lumuha hanggang sa nginitian niya lang ako at niyakap, at bigla "sorry akala ko hindi na kita makikita at makakausap nag antay ako ng ilang taon na kausapin mo ulit ako sa tuwing tutunog phone ko iniexpect na ikaw yung nagmimessage o tumatawag, dahil hindi na kita makontak akala ko may iba kana sa manila kaya hinayaan ko nalang na magpaligaw sa iba, habang nililigawan palang ako hindi pako sumusuko na makahanap ng update sayo"
2026-10-15 08:29:10