@klaudfajardo: Grabe, ang kurot sa puso ng clip na ’to ni Chariz Solomon sa interview niya kay Boy Abunda. 🥺❤️ Sorry, long caption! 😁❤️ Dati, ramdam na ramdam ko ’yung ganitong pakiramdam. Dumating ako sa point na sobrang pagod na ako sa buhay, na parang gusto ko nang sumuko. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako, walang katuwang, walang masasandalan, at ako lang ang kailangang lumaban sa lahat ng pagsubok. Until dumating sa buhay ko ang asawa ko. ❤️ Hindi mo man siguro alam kung gaano kalaki ang nabago mo sa buhay ko, pero simula nang dumating ka, unti-unti kong naramdaman na hindi ko na kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. You became my partner, my safe place, and the person who reminds me that life is a little easier when you have someone by your side. 🥹 Thank you sa walang sawang pag-aalaga at pag-aasikaso sa akin. Sa paghatid at pagsundo sa akin sa work kahit pagod at antok ka na galing sa sarili mong trabaho. Sa pakikinig sa mga problema ko, kahit minsan kung anu-ano na lang ang mga hinaing ko sa buhay. 😂 Sa pag-intindi sa akin tuwing umiinit ang ulo ko, kahit minsan wala namang dahilan. Thank you rin dahil kahit minsan ayaw mo nang makinig sa mga corny kong joke, pinipilit mo pa ring tumawa kapag sinasabi kong, “Tumawa ka nga!” 😭😂 Thank you sa pag-spoil sa akin sa kung ano ano, sa pagmamasahe kapag masakit ang katawan ko, at sa lahat ng maliliit na bagay na ginagawa mo na maaaring simple lang para sa’yo, pero sobrang laki ng kahulugan para sa akin. ❤️ Higit sa lahat, thank you for being a good provider sa amin mag ina and for making me feel loved, valued, and important every single day. Hindi lang sa mga bagay na naibibigay mo, kundi pati sa oras, pagod, pag-unawa, at pagmamahal na kusang-loob mong ibinibigay sa akin. You make me feel that I don't have to be strong all the time because I have someone I can lean on when life gets too heavy. Sa piling mo, natutunan kong hindi pala kailangang akuin ang lahat nang mag-isa. Minsan, sapat na ang may isang taong handang umalalay, umintindi, at manatili sa tabi mo. 🫶🏻 I’m so blessed to have you. ❤️ Kung alam mo lang kung gaano ako nagpapasalamat sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay niya sa akin. Hindi man perpekto ang buhay natin, mas gumagaan ang lahat dahil kasama kita. Mahal na mahal kita, pa! ❤️ Thank you for being my pahinga in a world that can sometimes feel so exhausting. Thank you for choosing me, loving me, and taking care of me in ways that words could never fully explain. Ikaw ang isa sa pinakamagandang biyayang dumating sa buhay ko. At kung may isang bagay akong hihilingin, iyon ay ang patuloy pa rin nating piliin ang isa't isa sa bawat araw, sa saya man o sa hirap ng buhay. I love you, always! 🥹❤️🫶🏻 Sometimes, we don't need someone to fix everything. We just need someone who reminds us that we don't have to face everything alone. ❤️ Disclaimer: I do not own the video or audio. All credits belong to their respective owners. Shared for appreciation and inspirational purposes only. No copyright infringement intended. #safespace #ikawangpahingako #GratefulHeart #loveandpartnership #fyp
klaud
Region: PH
Wednesday 14 October 2026 10:12:40 GMT
Music
Download
Comments
Abcde :
ang nanay kayang alagaan lahat ng miyembro ng pamilya pero pag si nanay ang nagkasakit Wala man lang kayang alagaan sya🥺
2026-11-04 00:32:01
512
Talong_ :
Ano pala kwenta ng mister kung di ka pala aaalagaan? Wag na lang siguro mag asawa kung ganyan
2026-11-04 05:20:17
140
FEAH SNOW HUB :
tapos ang mas malala pa ikaw pa ang nagkulang...lintik talaga
2026-11-03 14:03:57
314
♥️♥️Sandara.🥰🥰 :
true just pray always
2026-11-05 05:42:39
2
Ran Rich E. :
@Toni Talks
2026-11-04 12:23:37
1
Ivy Santos927 :
yes... that is true...😞
2026-11-04 10:59:56
1
Angel ❤️ :
i feel the same too, 😥
2026-11-04 21:19:07
1
Lyrician findz🛒 :
Trueee😭
2026-11-04 11:53:16
1
annetaba.19 :
kainis naiyak ako 🥺
2026-11-04 12:55:11
7
Tatan Marmolejo :
agreed 👍 🤝 🥺
2026-11-04 05:32:57
1
Rose Amisula :
ako dn pagod3,x n tlga ako
2026-11-04 13:08:17
8
JonaBells :
I feel you chariz Lalo kapag gusto ko Ng massage aq parin sa sarili ko huhu
2026-11-04 22:47:39
5
Jo Jo Jo :
Kaya siguro happy lang siya sa Babble Gang kc grabe ganap sa real.life niya
2026-11-05 03:00:49
5
Mama Joy ✨ :
Ang sakit naman nito 😭😭😭
2026-11-04 01:50:06
9
Ate Em :
me pagod na pagod na... buhay single mom..
2026-11-04 12:54:59
7
JESS LOPEZ :
hindi naman ako nanay peru ramdam ko to 😭💔
2026-11-04 01:30:29
11
zoe :
grabe totoo tlaga 'to..kung hindi pa ako na diagnose na may anxiety palagi sinasabi sa kin ng husband ko ng papansin lng daw ako or OA na minsan.
2026-11-04 12:43:55
7
💥♦️💝trixLab💓💥♦️ :
feel u...
2026-11-04 02:47:59
5
Inugaia_08 :
Tapos sasabihin nila bare minimum at desisyon mong magkaanak kaya responsibilidad mo yon. 😩😩
2026-11-04 01:41:27
9
Khris Decena :
true, feel ko to minsan my time na mararamdaman mo yong pagod ,na parang gusto mo n sumuko
2026-11-04 11:02:55
5
sibeca_vanz :
bat ako umiiyak?
2026-11-04 01:56:32
11
user3646666631106 :
ganyan na ganyan yung feeling ko ngaun ...ayukung umuwi gusto ko mag Isa makapag isip isip ..dahil pagod na pagod na ako sa lahat ..naiiyak na lng ako para gumaan yung pakiramdam ko
2026-11-04 01:22:25
5
jomtine :
hugs sa lahat ng nanay
2026-11-04 02:33:21
7
Ed :
naranas kuyan yung may asawa at anak na nagtratrabaho ka sa manila tapos uuwi ka sa province mo para makapiling mo sila pero parang hindi ka nila nakikita na baliwa laka nalang pagod kana kaya minsan ayaw kona umuwi
2026-11-04 13:08:30
6
Michelle :
totoo parang walakanag halaga sa knila,😭😭
2026-11-04 01:52:46
15
To see more videos from user @klaudfajardo, please go to the Tikwm
homepage.