@gmanews: KAPIT NA KAPIT! 🚗 Literal na na-attach ang 9-month-old baby na si Mavis sa isang toy car sa mall. Kahit buhatin na kasi siya ng kaniyang Daddy Jett, hindi pa rin binibitawan ni Baby Mavis ang laruan. Ayon kay YouScooper Francheska Garchitorena-Fajardo, naghahanap sila noon ng stroller nang mapansin ni Baby Mavis ang laruan. Ilang beses sinubukan ni Jett na ihiwalay si baby Mavis sa laruan pero hindi basta-basta bumibitaw ang bata. Sa huli, nang ma-distract si Mavis, saka lang nagawang alisin ni Jett ang toy car sa pagkakahawak ng anak. #YouScoop Courtesy: YouScooper Francheska Garchitorena-Fajardo