@grn_pinoy: Mahigit 8,000 pamilyang hindi konektado sa First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang makatatanggap ng multi-function solar lighting system mula sa Provincial Government of Catanduanes, ayon kay Gov. Patrick Azanza. Layunin nitong mabigyan ng ilaw at charging source ang mga pamilyang matagal nang walang kuryente, lalo na ang mga batang hirap gumawa ng assignments sa gabi at mga kabahayan na walang mapagkukunan ng kuryente para sa mobile phones at maliliit na appliances. Bukod sa ilaw at charging outlet, may built-in radio rin ang mga unit upang makatulong sa pagtanggap ng balita, partikular kapag may bagyo o iba pang sakuna. Dumaan na sa bidding process ang proyekto at hinihintay na lamang ng provincial government ang delivery ng mga solar lighting system bago ito ipamahagi sa mga natukoy na benepisyaryo sa iba't ibang barangay sa buong Catanduanes. #fyp #foryoupage #foryou #tiktok #Pilipinas #Greenpinoy #Greenfuture #Renewableenergy #SustainablePhilippines #cleanenergy #Windpower #Solarpower #solarenergy #solarfarming #solar

Green Pinoy ☀️⚡
Green Pinoy ☀️⚡
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 15 October 2026 03:27:47 GMT
402
10
2
0

Music

Download

Comments

walter.ligan
Walter Ligan :
@GALIT NA NAMAN ANGMERALCO. NIYAN.
2026-10-15 12:36:15
0
user7839462829429
eduard :
🥰🥰🥰
2026-10-16 02:11:40
0
To see more videos from user @grn_pinoy, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About