@marlonperpetua: ‘SINO ANG SASAGOT SA ORAS, PERA AT TIWALA NG BAYAN?’ — EDU MANZANO SA PAG-WITHDRAW NG 3 ARTICLE Naningil ng paliwanag at kumpletong accounting si Edu Manzano matapos i-withdraw ng prosecution ang tatlo sa apat na article of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. “Kung matibay ang mga binawing kaso, bakit iniwan? Kung mahina, bakit isinulong nang ganoong kumpiyansa?” tanong niya. Sa kanyang post, binanggit ni Manzano ang halos dalawang taon ng imbestigasyon at paghahanda, at 39 na araw ng paglilitis sa Senado. Naiwan ang Article II tungkol sa umano’y unexplained wealth. Kinuwestiyon din niya kung paano mabibigyan ang depensa ng patas na pagkakataong tumugon kung mananatili sa rekord ang mga ebidensyang kaugnay ng mga binawing article. “Hindi puwedeng nasa rekord ang akusasyon pero wala sa korte ang sagot ng depensa,” giit niya. Hinimok niya ang House Committee on Justice, House prosecution panel at Senado na ilabas ang kumpletong kuwenta ng nagastos. “Hindi sapat ang ‘budgeted naman.’ Pera pa rin namin iyon. Oras pa rin namin iyon.” “Ang buhay ng Pilipino, walang recess,” dagdag niya. Nagtapos si Manzano sa banat na: “SAYANG ANG NAGASTOS. ILANG BALDE PARA SA TUBIG RIN IYAN.”
Marlonperpetua
Region: PH
Thursday 15 October 2026 06:50:48 GMT
Music
Download
Comments
mon181983 :
kung hindi nadrop yun mas lalaki ang gastos at tatagal ang hearing pwwdi naman gawin yun eh
2026-10-15 09:23:55
0
To see more videos from user @marlonperpetua, please go to the Tikwm
homepage.