@gmanews: KENDENG SAGLIT, TULOG ULIT 💤 Aliw ang hatid ni Baby Alas sa viral video niya na tila naalimpungatan, napa-indak, sabay tulog ulit! Kuwento ng mommy ni Alas na si YouScooper Mariah, halos isang oras na raw natutulog si baby nang bigla siyang bumangon. “Akala ko iiyak siya o kaya hihingi ng milk, nagulat ako bigla na lang siyang sumayaw-sayaw. Natawa ako kasi medyo nakapikit pa siya noon,” saad ni Mariah. Dagdag ni Mariah, ito raw ang unang beses sumayaw ang kaniyang 1-year-old baby sa gitna ng tulog dahil dati raw ay “nagpapa-cute na smile” lang ito o kaya naman ay pumapalakpak. #YouScoop Courtesy: YouScooper Mariah Rivera