@dwiz882am: Isang politiko mula sa Mindanao ang natukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umano’y nagpondo sa drug shipment na nasabat sa Laos. Sa ngayon, hindi pa pinangalanan ng mga otoridad ang nasabing politiko ngunit sinabi ng PDEA na nagbigay umano ito ng 3.5-bilyong piso para sa chartered flight na dapat sana’y magdadala ng 521 kilong hinihinalang shabu mula Laos patungong Pilipinas. #DWIZ #DWIZNEWS #DWIZ882AM