@agendapilipinas: MANILA, Philippines — Kaya raw madaling talunin ng China ang Pilipinas kung gugustuhin nitong gumamit ng puwersa. Ito ang kontrobersiyal na pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan na umani ng matinding reaksiyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Coast Guard (PCG). Sa isang panayam noong Oktubre 15, iginiit ni Jing na dapat umanong maging masaya ang Pilipinas dahil China ang kapitbahay nito sa rehiyon. “We should feel fortunate enough that you have a neighbor like China in this region,” pahayag ng Chinese ambassador. Ngunit mas naging kontrobersiyal ang kasunod niyang sinabi. “If we want to use force, we may easily win. But no, we will not use force. We love peace.” Ginawa ni Jing ang pahayag habang tinatanggihan ang bansag na “troublemaker” laban sa China at ipinagtatanggol ang posisyon ng Beijing sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea. Hindi ito pinalampas ng DFA, na nagsabing ang naturang pananalita ay maaaring ituring na “thinly veiled threat of the use of force” laban sa Pilipinas. Ayon sa kagawaran, hindi nakatutulong sa sensitibong relasyon ng dalawang bansa ang ganitong mga pahayag, lalo na kung ang layunin ay mapanatili ang diplomasya at mapayapang pag-uusap. Mas direkta naman ang naging reaksiyon ni Philippine Coast Guard spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela. “That is not reassurance. That is a direct threat, and wrapping it in ‘We love peace’ does not change what it is,” giit ni Tarriela. Ikinumpara rin niya ang pahayag sa isang bisitang nagsasabing kaya niyang saktan ang kanyang host ngunit piniling huwag gawin iyon, at pagkatapos ay umaasang pasasalamatan pa siya. Dumating ang kontrobersiya habang patuloy ang tensiyon sa West Philippine Sea, kung saan ilang beses nang nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng Chinese vessels at Philippine authorities. Iginiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa ilalim ng international law at ng 2016 arbitral ruling na nagpawalang-bisa sa malawak na maritime claims ng Beijing. Patuloy namang tinatanggihan ng China ang nasabing ruling. Sa kabila ng pagtitiyak ni Jing na hindi gagamit ng puwersa ang Beijing, malinaw ang posisyon ng DFA na dapat umiwas ang mga diplomat sa mga salitang maaaring magpalala ng tensiyon. Para sa pamahalaan ng Pilipinas, ang tunay na mapayapang pakikipag-ugnayan ay kailangang nakabatay sa respeto sa soberanya, international law at pantay na dignidad ng bawat bansa. #AgendaPilipinas
Agenda Pilipinas
Region: PH
Friday 16 October 2026 03:00:00 GMT
Music
Download
Comments
daddyyowww :
Secondly if you really believe you can easily win why aren't you trying then. That is because you know very well the existence of the 1951 RP US defense pact. that an attack of the Philippines is an attack to the US. this is why you are afraid.
2026-10-20 01:46:07
0
annika :
pasakop na kmi baka mas maganda pa buhay nmin pag kau humawak.. sa bansa nmin
2026-10-16 08:10:28
4859
phoenix :
yes to pax silica
2026-10-19 22:43:00
0
Ms.Quijote12 :
because the G0v. is weak they take advantage...
2026-10-19 12:08:16
0
Rn :
bigay nalang namin president namin HAHAH
2026-10-16 06:55:49
1405
👀👀 :
truth hurts 😃😃
2026-10-19 18:55:09
0
paxztrias :
GO AHEAD...FILIPINOS WILL STAND ITS GROUNDS...FILIPINOS DEFENDED THE COUNTRY AGAINTS SPAIN, FILIPINOS WILLAGAIN DEFEND THE PHILIPPINES AGAINTS ANY FOREIGN AGGRESSION...
2026-10-18 03:22:04
7
..B!t😁y.. :
yumaman ang mga duterte nang dahil sa china. ngayun tayong mga filipino ang magsusuffer
2026-10-16 08:50:22
904
Jess. :
Tuta kase nila yung nasa the hague
2026-10-16 14:07:52
143
Godz Liver :
lakas KC loob nila dhil sa traidor na mga du30 na yan....
2026-10-16 05:19:54
2148
Jimmy Quek :
👏👏👏well said🙏🙏🙏
2026-10-19 04:01:56
0
michael :
realtalk..sinabi niya kung gyera lang pag uusapan basic lang sa kanila
2026-10-16 14:24:07
51
Abigail❤️😇❤️ :
Pasakop na lang walang kwenta din nman gobyerno
2026-10-17 03:46:29
8
Rudy Yape :
Ginagago ang Pilipinas nang China dahil sa mga Duterte at mga trydor 😈😈😈
2026-10-18 10:46:23
11
Miss_K :
Oo papasakop na kami! Walang kwenta pinas dahil sa mga namumuno. Kunin nyo na pinas baka gumanda pa buhay namin
2026-10-18 03:37:44
14
Aysa :
we love China from Mindanao
2026-10-19 04:35:42
0
Ano Tara ?! :
unahin nyo sana mga politician na lumalaban sa china , idadamay pa kaming mga sibilyan hahahha
2026-10-18 15:37:57
0
mitsuke :
sus di nyo nga kaya mag ground assault ehh asa lang kayo sa kagamitan nyo
2026-10-16 15:46:04
5
inodoge1 :
na real talk tuloy si bbm😂😂
2026-10-16 11:06:45
21
(DACULA) :
kasalan Ng mga d30 to , at Ng mga Aquino,
2026-10-16 07:57:27
72
j197710 :
Nuon c Apo Lakay ang President hindi maka porma sa Pilipinas ang China. Pero ng umupo c Duterte halos ipamigay na nya ang buong Pilipinas dahil sa Pera. kya wagkyo magalit sa mga ayaw sa mga Duterte dahil ang laki ng ginawa kasalanan ni Duterte sa mga Pilipino at sa Pilipinas
2026-10-16 09:25:45
156
aicing♉ :
pasakop nalang kami ,,baka mas gaganda pa Ang pilipinas buti pa sa china walang impossible lahat ginagawa mapagadan lang Ang bansa nila
2026-10-16 13:13:57
49
Maru :
Malakas loob nyang mag salita dahil namumuhunan sila sa mga Duterte esp kay Sara.
2026-10-16 07:38:35
360
simplejess17 :
totoo nmn para LNG taung langgam
2026-10-16 07:53:47
5
To see more videos from user @agendapilipinas, please go to the Tikwm
homepage.