@laaytivi: SONZA, NAGBABALA LABAN SA PAGTUKOY SA DAVAO BILANG DESTINASYON NG JET Nagbabala ang beteranong broadcaster na si Jay Sonza laban sa pagtukoy sa Davao City bilang destinasyon ng private jet na iniugnay sa pagkakasabat ng 521 kilo ng hinihinalang sh*bu sa Laos. “Huwag kayong magkakamaling mag-imbento at magsabi na sa Davao City ang destination noong hinuling Learjet 55B sa Laos na galing Malaysia,” saad niya sa kaniyang social media post. “May mga approved flight plans ang nasabing eroplano at alam na namin kung sino ang may hawak at nagprepare ng flight plans at refueling ng lahat ng 7 trips papuntang Pilipinas.” Samantala, sa ulat nitong Oktubre 12, kinilala ng PDEA ang Pilipinong dinakip sa Laos na si Dibaroson Fahad. Iniimbestigahan din ang isang alyas “Boyet,” na umano’y nag-ayos ng pag-upa sa eroplano. Sinisiyasat umano ng ahensiya ang posibleng koneksiyon ng kaso sa isang sindikatong nakabase anila sa Davao. Matatandaang, naunang iniulat ng Bernama New na sinabi ng Malaysian police na Laos–Maynila ang booking ng biyahe at vape products ang idineklarang kargamento.

Laaytivi
Laaytivi
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 16 October 2026 03:00:02 GMT
174
4
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @laaytivi, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About