@net25news: Bukod sa multa, dapat may makulong! Nanawagan ang grupong SINAG na hindi lamang multa kundi pagkakakulong din ang ipataw sa mga sangkot sa kartel ng sibuyas, kasunod ng P1.76-B multang ipinataw ng Philippine Competition Commission sa ilang kartel. Ayon kay SINAG Executive Director Jason Cainglet, dapat ding panagutin at arestuhin ang mga umano’y kasabwat ng kartel sa loob ng pamahalaan. | Ano Sa Palagay N’yo?