@balitaphl: Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masira ang relasyon ng Pilipinas at China. Kaugnay ito sa pahayag na inilabas ng Chinese Embassy kung saan inilarawan nilang nasa “extremely sensitive” na umano ang relasyon ng dalawang bansa. “Iba po kasi ang relasyon natin sa China pagdating sa trade and investment, pero iba rin po ang usapin patungkol sa pagprotekta natin sa ating teritoryo at sa ating interes sa West Philippine Sea,” saad ni Usec. Castro sa press briefing ng PCO nitong Biyernes, Oktubre 16. Giit pa ng press officer, utos din daw ni PBBM ang pakikipag-usap sa China nang may diplomasiya. “So, hindi nakikita—hindi nais makita ng ating pamahalaan, ng Pangulo, na darating ‘yong punto na hindi magiging maganda ‘yong relasyon ng China at Pilipinas,” anang press officer. Diin pa niya, “Kaya ang utos ng Pangulo, ang pakikipag-usap sa pamunuan ng China ay in a diplomatic manner—dahil hindi nais ng Pangulo na masira ang relasyon ng dalawang bansa.” “But still, nandoon pa rin po ‘yong pagprotekta ng gobyerno, ng administrasyon, ng Pangulo sa interes nating lahat sa West Philippine Sea at sa ating teritoryo,” pagtatapos ni Usec. Castro. Matatandaang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan sa isang pahayag noong Huwebes, Oktubre 15, na madali umanong mananalo ang China sa Pilipinas kung sila ay gagamit nang puwersa. “If we want to use force, we may easily win. But no, we will not use force. You know, we love peace,” ani Jing Quan. Binuweltahan naman ito ni PBBM, at sinabing tila ang tunog daw nito ay isang “threat.” “Well, it sounds very much to me like a threat, and it is not a very diplomatic statement to be made. So, we perhaps would like to understand what exactly it is that he means," anang Pangulo sa isang pahayag nito namang Biyernes. #Balita #JingQuan #BongbongMarcos #China #Philippines @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Friday 16 October 2026 09:15:00 GMT
Music
Download
Comments
Lulu :
Confidence, theirs is spoken with clarity. perhaps - diplomacy calls no flaunting what U have. Malay mo nmn, hinde rin nila ina-underestimate tau - so
2026-10-16 09:35:34
0
Tanhongsim :
BBM like WAR to stay POWER
2026-10-16 10:34:54
1
Tom :
Abuso na yan dapat yan kalusin na,nanduduro lang yan kc magkakaroon ng dahilan para gerahin bansa nila , isa laban sa lahat
2026-10-16 10:56:30
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.