@balitaphl: Pinatutsadahan ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan matapos ang umano’y paghahamon nito sa buong sangay ng lehislatura ng Pilipinas. Tumutukoy ito sa social media post na mababasa sa page ng Chinese Embassy Manila na ibinahagi noong Biyernes, Oktubre 16, kung saan makikitang kinukuwestiyon ng embahada ang panawagang i-persona non grata si Jing Quan. “Some senators and house representatives are talking about declaring the Chinese ambassador persona non grata. Is this threat or coercion? But anyway, just do it. Otherwise, STOP BLUFFING,” mababasa sa post. Sagot naman ni Tarriela, ganito raw kayabang ang nasabing chinese ambassador. “Ganito kayabang ang dayuhang Ambassador habang nasa loob ng sarili nating bansa. Matapos tayong pagbantaan, siya pa ngayon ang nagmamalaki at hinahamon pa ang isang buong sangay ng ating pamahalaan, ang Lehislatura,” saad ni Tarriela sa kaniya namang social media post nitong Sabado, Oktubre 17. Aniya pa, “‘Just do it. Otherwise, stop bluffing.’ Hindi ito salita ng isang diplomat. Salita ito ng isang nagmamataas na nakalimutang siya ay bisita lamang dito.” Matatandaang nag-ugat ito sa kontrobersyal na pahayag ni Jing Quan matapos niyang sabihing madali umanong mananalo ang China kontra sa Pilipinas kung gagamit ito ng puwersa. “If we want to use force, we may easily win. But no, we will not use force. You know, we love peace,” ani Jing Quan sa isang pahayag noong Huwebes, Oktubre 15. Binuweltahan naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nasabing pahayag. “Well, it sounds very much to me like a threat, and it is not a very diplomatic statement to be made. So, we perhaps would like to understand what exactly it is that he means," ani PBBM sa isang pahayag nito namang Biyernes. Kinondena at inalmahan din ng ilang mambabatas ang pinakawalang pahayag ng chinese ambassador. #Balita #chineseembassy #JayTarriela #China #Philippines @Manila Bulletin
Balita
Region: PH
Saturday 17 October 2026 05:00:00 GMT
Music
Download
Comments
Walter Ligan :
@SINO. ANG. AAKO. KUNG. PAPAUWI IN. SA. PILIPINAS. ANG. MGA. MANGGAGAWANG PILIPINO. AT KUNG PATI MALALAKING. KAMPANYA TULAD NG. SM. AT. ROBINSON. MAY. AAKO BA? SINO ANG. MAGPAPAKA IN SA. PAMILYA NILA?
2026-10-17 05:11:58
0
Mujako :
NA REAL TALK NNMAN KAYO KAYA GANYAN MGA SINASABI NYO. TOTOO NAMAN SINABI NYA EH. ANO BA GUSTO NYO BA TALAGA NG GYERA SA CHINA? ABA WAG NYO KAMI IDAMAY KAYO BA HAHARAP O MAKIKIPGA GYERA SA KANILA?
2026-10-17 05:50:56
1
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm
homepage.