@dsedrium: Hindi ko alam kung gaano kataas ang langit, o kung hanggang saan aabot ang aking sambit. Masyado bang malayo ang aking minimithi, o sadyang kulang pa ang lakas na nasa sarili? Bakit tila bawat hakbang ay may kapalit na pighati, gayong ang nais ko lamang ay marating ang aking ngiti? Ngunit hindi lahat ng pagkadapa ay pagkatalo, hindi bawat kabiguan ay katapusan ng mundo. May mga aral na sa sakit lamang matututuhan, at may mga pangarap na hinog sa paghihintay at pagsubok ng panahon. Kaya kung hindi ko man marating ngayon ang aking hinahangad, hindi ibig sabihing hanggang dito na lamang ang aking paglipad. Sapagkat ang kabiguan ay hindi sukatan ng aking kakayahan, kundi paalala na may puwang pa ang sarili kong pag-unlad at kaalaman. #poetry #tagalogpoetry #filipinopoetry #pangarap #tula
av
Region: PH
Saturday 17 October 2026 04:05:28 GMT
Music
Download
Comments
Gabᶻ 𝗓 𐰁 :
Libre mangarap ng malalim, ngunit siguraduhin mong kaya mo itong sisirin. Ako kasi sa sobrang lalim ng pangarap ko, hindi ko na ito makita `mula sa ibabaw ng tubig, hindi ko rin naman pwedeng taasan pangarap ko, dahil putol ang mga bagwis ko, isa lang akong kalapating mababa ang lipad.
2026-10-18 05:49:15
285
zennnn. :
mangarap ng malalim, huwag nang mataas
2026-10-17 04:59:11
149
Rem :
"ang karaniwan sa pambihira ay pambihira sa pangkaraniwan"
2026-10-21 09:00:21
13
who tf is yel :
libre ang mangarap, magastos ang mabigo
2026-10-20 04:57:44
18
Renz.mp4 :
Sana lahat Tayo manalo!
Dahil katulad ko alam kong Hindi lang para sarili Ang inyong minimithi kundi Makita sa bawat Isang naniniwala Ang matagumpay na ngiti❤️
2026-10-19 13:03:21
27
nurse jj :
tanong na laging nasa isip ko ngayon, “May mararating kaya ako?” nakakaiyak, grabeng realidad ng buhay :(((
2026-10-19 06:51:00
20
chubbylog :
ang dami kung pangarap para sa pamilya ko lalo na sa tatay ko pero bkt parang ang hirap hirap abutin 😭
2026-10-27 19:05:19
2
ian boiii :
dati nung bata pa ako gusto ko na agad tumanda, pero ngayong matanda na ako gusto ko na lng ulit maging bata kase pag nasa ganitong edad kana pala e di na madali ang problema literal na makikipag kana talaga sa totoong buhay, dati kase pag napagod ka pwede ka mag pahinga pero ngayon hindi na pwede....
2026-10-18 05:15:52
11
Esmiringhoy :
gabi gabi kong naiisip kung may mararating pa ba ako
2026-10-22 12:26:39
6
alon :
eto yung hinhintay kong update mo eh huhu thank u ☹️YOU REALLY ARE A GOOD WRITER !
2026-10-17 09:22:40
3
yuriiii :
gawa mo to?? 😭
2026-10-17 04:10:01
0
Wary Ü Caba :
libre naman mangarap pero bat parang ang gastos mabigo .
2026-10-17 13:02:44
8
panda :
Kay lalim ng tinatagong kahulugan ng bawat salitang nakalagay sa iyong bidyo. Minsan, ang tanging kalaban natin ay ang ating mga sarili—sariling hindi mahanap ang kahulugan ng mga salitang “Kaya ko ito” bagkus, pinipilit nating limitahan ang ating mga sarili. Kaya mo, takot ka lang.
2026-10-18 11:43:31
6
Heah Witega :
sobrang exposed sa realidad
2026-10-18 12:42:20
2
Tadac :
Saludo!
2026-10-19 09:48:50
3
kutisGoals :
kaiyak
2026-10-17 11:39:13
2
Klein :
2026-10-22 17:50:10
1
FLEECE :
Deep
2026-10-22 02:04:27
1
Ayi :
Walang pangarap na mahirap, kung ang bansang atin ay kaya itong ilingap.
2026-10-19 12:33:30
1
mxkael :
hi i hope meron kang acc sa ig, i really like your work♥️
2026-10-18 09:04:51
2
wems :
baka nga ang taas ng pangarap ko ay pailalim, kaya kahit anong akyat ko diko pa rin kaya abutin.
2026-10-19 11:52:11
2
SG :
"bakit nung Bata ako kaya ko madaling sabhin na pangarap ko maging ganto,, ngunit kapag lumalaki na Pala ako Ang hirap na banggitin"
2026-10-22 16:48:13
2
Satria :
sabi nila libre lang mangarap pero di ako nangarap ng mataas at malalim dahil ako'y takot na baka balang araw ay hindi kona ito maabot dahil sa sobrang taas dahil wala akong pakpak o sobrang lalim dahil mahirap itong sisirin dahil hindi mona ito matanaw sa ibabaw ng tubig, kaya mas pinili kong mangarap ng malayo kahit kulang man ang aking pamasahe papunta sa pangarap ko, pwede ko naman itong lakarin, kahit na mabagal man ang importante ako ay umuusad.
2026-10-26 11:06:28
2
toasted frog :
abot kamay ba ang mga nais kong abutin?
2026-10-27 15:13:48
2
To see more videos from user @dsedrium, please go to the Tikwm
homepage.