@dwiz882am: PANOORIN: Naglabas ng video si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na direktang nanawagan kay Chinese Ambassador Jing Quan na umuwi na sa China. Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Ejercito ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng agawan sa teritoryo. “West Philippine Sea is ours. Go home!” ani Ejercito sa kaniyang caption. 🎥: JV Ejercito/Facebook #JVEJERCITO #DWIZ #DWIZNEWS #DWIZ882AM