@abogadong.manggagawa: Mga kamanggagawa sa Antipolo City, kinakaltas ba sa sahod ninyo ang inyong SSS, PhilHealth at Pag-IBIG contributions pero hindi naman naihuhulog o nairere-remit? Ang mga kontribusyong ito ay mahalaga sa inyong benepisyo at proteksiyong panlipunan. Kung hindi ninyo makita o makumpirma ang hulog ng inyong employer, ilapit ang inyong sumbong sa Grand Sumbungan ng Kamanggagawa Goes to Antipolo City. 📅 Oktubre 24, 2026 | 8:00 AM–12:00 NN 📍 Cristimar Village, Barangay San Roque, Antipolo City Inaanyayahan namin ang ating mga kababayan mula sa Antipolo City na makiisa at lumapit kung may problema o hinaing tungkol sa hindi paghuhulog o pagre-remit ng mga kontribusyon. Gaganapin ang aktibidad sa pakikipagtulungan ni Cong. Dok Bong Acop, kinatawan ng 2nd District ng Antipolo City, kasama ang Kamanggagawa Partylist , Batas Manggagawa at ang inyong lingkod at kapitbahay na si Abogadong Manggagawa. Mag-sign up na! I-scan ang QR code o i-click ang link para sa Grand Sumbungan ng Kamanggagawa Goes to Antipolo City. Hintayin ang aming tawag o text para sa kumpirmasyon. #GrandSumbunganNgKamanggagawa #AntipoloCity #BarangayCalawis #SSS #PhilHealth
Abogadong Manggagawa
Region: PH
Monday 19 October 2026 02:26:47 GMT
Music
Download
Comments
JAKE IGNACIO🎤 :
may message kame sir sainyo
2026-10-19 20:25:53
0
Elvie balilaon :
Davao Naman po
2026-10-19 09:59:34
0
Kairo :
paano po saakin agency binabasawan ako
2026-10-19 12:16:52
0
𝓚𝓻𝓲𝓼𝓽𝓮𝓵𝓵𝓮 :
Sir nag PM po ako
2026-10-19 06:42:06
0
Rico Calderon :
nag pm din Po ako sa Inyo sir .salamat Po ppunta Po ako sa Oct.24.
2026-10-19 09:04:54
0
Victoria :
Magandang araw po, sana mapansin nyo po ang private message ko. Salamat
2026-10-19 04:51:07
0
Reynante Magno :
Tanong klng sir gaya aming per beyahe Hindi talaga nila hinuhulogan Ang SSS dahil per beyahe daw kmi Sir
2026-10-19 12:38:03
0
Reymarth Toquero :
meeun din dtu sir hindi naghuhulog ng malaki corporation
2026-10-19 04:18:04
0
Alberto Rodelas :
👍👍👍
2026-10-19 02:33:02
0
To see more videos from user @abogadong.manggagawa, please go to the Tikwm
homepage.