@bendztv3: SUPER BAGYONG 'ROSAL' IS HERE! ⚠ UPDATE: Pinangalanan na ng PAGASA ang super bagyong may international name na #Champi at binigyan na ng local name na #RosalPH. Posibleng lumapit sa #ExtremeNorthernLuzon at #NorthernLuzon ang bagyong 'ROSAL' pagdating ng Huwebes at Biyernes, at posibleng itaas ang Signal No. 3 o 4 depende sa magiging kilos nito sa mga susunod na araw. Bagama't hindi direktang tatama sa kalupaan ng Pilipinas, makakaapekto ang trough nito sa silangang bahagi ng #Luzon, kaya't asahan ang maulap na panahon sa ilang bahagi ng eastern Luzon sa mga susunod na araw. Posible pang magbago ang mga datos na ito kaya't manatiling updated. Lahat ay inaabisuhan na makinig sa abiso ng mga awtoridad dahil posible ang mabilis na pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan. BENDZ TV 20 October 2026 Source: DOST-PAGASA