@agendapilipinas: MANILA, Philippines — Inamin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nagkamali siya sa hindi pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa noong nagkaroon ng pagkakataon sa Senado, habang patuloy na nakikipagnegosasyon ang pamahalaan sa mga umano’y makapangyarihang taong nagpoprotekta sa senador. “I dropped the ball. I should have arrested him in the Senate,” pag-amin ni Remulla sa panayam sa ANC noong Oktubre 19. Ayon sa DILG chief, pinili niyang igalang noon ang isang “gentleman’s agreement” kay Senador Alan Peter Cayetano na hindi aarestuhin si Dela Rosa sa loob ng Senado. Ngunit matapos makaalis ang senador, sinabi niyang hindi na niya muling kikilalanin ang naturang kasunduan bilang hadlang sa pagpapatupad ng batas. Kinumpirma rin ni Remulla na nasa Mindanao umano si Dela Rosa at pinoprotektahan ng isang makapangyarihang grupo na may kakayahang lumaban sa mga awtoridad. “They are a powerful group there that we have to negotiate,” ani Remulla. Nagbabala siya na maaaring maging madugo ang operasyon kapag puwersahang sinalakay ang kinaroroonan ng senador. Ayon sa kalihim, maaari umanong umabot sa daan-daan ang casualties sa hanay ng pulisya kung mauuwi sa armadong sagupaan ang pag-aresto. “We do not want a civil war to start because of our arrest of one man. We want to do it properly, we want to do it judiciously, and we want to do it cleanly,” paliwanag niya. Matatandaang naglabas ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban kay Dela Rosa kaugnay ng alegasyon ng crimes against humanity of murder noong siya ang hepe ng Philippine National Police sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Naging publiko ang warrant noong Mayo 11, 2026. Makalipas ang ilang araw, nakalabas si Dela Rosa sa Senate premises at mula noon ay hindi pa siya naaresto. Hindi pa siya nahahatulan ng ICC sa mga kasong ibinibintang sa kanya. Sa ngayon, mas pinipili ng DILG ang negosasyon para sa mapayapang pagsuko kaysa sa isang operasyong maaaring maglagay sa panganib sa buhay ng mga pulis at sibilyan. Ngunit sa sariling pag-amin ni Remulla, nagkaroon na ng pagkakataong maaresto si Dela Rosa—isang pagkakataong hindi nagamit at ngayo’y naging mas komplikadong operasyon dahil sa mga umano’y armadong protector ng senador. #AgendaPilipinas
Agenda Pilipinas
Region: PH
Tuesday 20 October 2026 09:00:00 GMT
Music
Download
Comments
Iovanee Del Moro :
YOU JUST DID THE RIGHT THING TO DO SIR.
2026-10-20 19:27:02
0
^~Shattered~^0113 :
Si remulla kpg wla n si bbm sya nman makukulong mark my words
2026-10-20 13:03:36
32
Gundam00 :
are we bowing down to an armed group?! every delay is injustice!!
2026-10-20 11:40:58
13
Karrenblaze_✡𑣲⋆˗𔕛 :
negotiating means money of filipino people.. 😂
2026-10-20 10:01:42
10
BeeCeeDee :
You should be fired!
2026-10-20 12:51:28
4
nyok068 :
RESIGN KA NA
2026-10-20 10:25:56
8
epejepejepej :
baka anjn dn c atong ..dapat buwagin yn mga armed group n yn ..sila b masusunod
2026-10-20 11:05:22
2
Eugene :
DILG walang nahuhuli sa pamamalakad nito
2026-10-20 22:08:55
0
gilbert🇵🇭🇹🇼♉ :
worth it ba sacrifice mo 300 police mean for 1person , marami dapat unahin,
2026-10-20 15:31:46
1
lloydie :
u shud be replaced by trillanes puro k prescon
2026-10-20 17:55:15
1
Kurt :
Pinag ttawanan nalang kayo niyan. 😅
2026-10-20 12:19:57
5
khris :
dapat managot mga nag patakas dyn perwisyo ginawa nila
2026-10-20 13:42:46
3
MIONG87 :
Ang tanong alam nia Bkt d nia mahuli
2026-10-20 11:35:47
1
Kapitan NoyPi 🇵🇭 :
kung si sentri ang dilg matagal ng nakakulong yan.
2026-10-20 21:49:00
0
Lance :
but kukunin? anung kaso?
2026-10-20 12:19:31
2
♊gemini🙈 :
puro porma, atong ang nga naka exit na.
2026-10-20 13:50:47
1
Fracas :
Di nga pumapag to nung tinulak ni Robin dun pa kaya sa nagpprotekta kay bato. 😂
2026-10-20 14:08:09
1
JonisioIbarra :
bakit may pa turnover sa inyu? di Naman xa wanted sa pilipinas WALA din xang warrant kahit sana sa pilipinas!!??
2026-10-20 16:21:30
0
Me :
Alot of armed men, pero dilg tayo…
2026-10-20 12:44:10
0
fabiolaambrosio7 :
Tlaga ba ? 😆😆😆😆😆
2026-10-20 17:45:28
0
Jjjj :
Good job ka jan Remulla 🤣
2026-10-20 18:54:45
0
Jayden :
Y you can’t disclose the group sir?
2026-10-20 18:15:38
0
༽ :
Alam pala tapos ayaw kumilos?? Propaganda nanaman😂😂
2026-10-20 20:24:40
0
onamar :
araw nyo ngayon
2026-10-20 18:00:57
0
Alfredgamer :
Anu kaso ??
2026-10-20 16:20:45
0
To see more videos from user @agendapilipinas, please go to the Tikwm
homepage.