@deped_ph: MGA KUWENTO NG PAG-ANGAT | TINIG NG MGA PUNONG-GURO 🔈 Malaki ang papel ng ating mga punong-guro sa pag-angat ng Pilipinas sa #PISA2025. Sa pangunguna nila, napag-uugnay ang mga paaralan, pamilya, barangay, at lokal na pamahalaan upang sama-samang suportahan ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Paano nila napagbubuklod ang komunidad para sa edukasyon? Ano-anong suporta ang sama-samang naibigay para sa ating mga mag-aaral upang maging posible ang ating pag-angat sa PISA? Pakinggan natin ang kanilang mga kuwento ng pagtutulungan. 🤝 #DepEdPhilippines #BagongPilipinas #ArangkadaSaPISA