@abantenews: IMEE KINUWESTIYON PAGIGING TOP RICE IMPORTER NG PILIPINAS Kinukwestiyon ni Senadora Imee Marcos ang pagiging pinakamalaking rice importer ng Pilipinas sa buong mundo sa kabila ng bilyun-bilyong pisong inilalaan taon-taon para sa sektor ng agrikultura. Inihayag ito ni Marcos sa pagdinig ng Finance Subcommittee G sa panukalang ₱198.4-bilyong budget ng Department of Agriculture (DA) para sa 2027. Hinimok ng senadora ang mga opisyal ng agrikultura na maglatag ng pangmatagalang solusyon upang matugunan ang agwat sa pagitan ng lokal na produksyon ng bigas at pangangailangan ng bansa. Kinuwestiyon din niya kung sapat ba ang kasalukuyang alokasyon sa agrikultura at kung ano ang dapat gawin upang hindi na umasa ang Pilipinas sa malaking volume ng imported rice. Ipinahayag ni Marcos ang pagkadismaya sa pagbabago ng sitwasyon ng bansa, na aniya’y dating nagturo sa mundo kung paano magtanim ng palay ngunit ngayo’y umaasa na lamang sa inaangkat na bigas. Bilang tugon, nilinaw ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nasa humigit-kumulang ₱60 bilyon ang direktang pondo para sa produksyon sa ilalim ng panukalang 2027 budget, na nananatili aniyang hindi sapat. Ayon kay Tiu Laurel, kailangan ang malakihang pangmatagalang pamumuhunan, kabilang ang ₱1.2 trilyon para sa irigasyon at ₱50 bilyon para sa mga pasilidad na post-harvest, upang makamit ng bansa ang rice self-sufficiency. | via Jojo Sicat, Abante News

Abante News
Abante News
Open In TikTok:
Region: PH
Wednesday 21 October 2026 10:40:18 GMT
2910
18
1
0

Music

Download

Comments

recto20
️피•|ᴋᴇɴ :
[Crying][Crying][Crying]
2026-10-21 10:53:59
0
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About